Pinag-iingat ng Provincial Health Office ang publiko sa Japanese Encephalitis na nakukuha sa kagat ng lamok. Ngayong taon ay isa na ang naitalang namatay sa Nueva Ecija dahil sa Japanese Encephalitis ayon kay Doc Benjamin Lopez ng Provincial Health Office.
1 sa 100 katao na magkakaroon ng Japanese Encephalitis ang makakaranas ng sintomas at ayon sa Datus ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) isa sa tatlong magkakaroon ng Sintomas ng Japanese encephalitis ang namamatay. Ang pag puksa sa mga lamok na nagdadala ng Japanese Encephalitis ay katulad rin ng pag patay sa mga lamok na nagdadala ng dengue. Naaangkop gamitin ang 4S o ang search and destroy, self protection measures, seek early consultation, at say no to indiscriminate fogging para maging ligtas sa Japanese Encephalitis.
Paalala ng Pho na wag basta basta mag fogging at gumamit ng pesticide para pumuksa ng lamok, bagkus ay gumamit ng Larvicide na mas naaangkop gamitin.

PHO, patuloy ang pagbabantay upang maiwasan ang Japanese Encephalitis

Patuloy rin ang pagbabantay ng Pho lalo na sa mga paaralan kung saan maaaring maging biktima ang mga mag aaral ng Japanese encephalitis.
Kung nais mag fogging sa inyong lugar maaaring makipag ugnayan sa inyong barangay health worker upang makakuha ng lkibreng larvicide. –Ulat ni Amber Salazar