Nagkaroon ng Pre Disaster Risk Assessment (PDRA) ang PDRRMC kasama ng iba’t ibang ahensya na kasapi nito sa Auditorium ng Old Capitol Compound Cabanatuan City. Binantayan ng PDRRMC ang iba’t ibang bayan sa Nueva Ecija at nag preposition ng mga heavy equipment sa mga landslide prone areas katulad ng Carranglan at Gabaldon.

Lunes ng gabi ay kasama na ang Nueva Ecija sa  umakyat na sa Signal No. 1. Kaya naman araw ng Martes ay nag deklara ng suspension of classes si Governor Cherry Umali sa lahat ng Lebel sa buong lalawigan. Nagkaroon rin  ng pre-emptive Evacuation sa mga katutubo nanakatira malapit sa Dupinga river upang masiguro ang kanilang kaligtasan kung sakali man na tumaas ang tubig sa ilog.

Pinaka madalas ang pag tama ng mga bagyo sa Luzon sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre at  ayon sa PDRRMC sila ay handa para sa mga paparating pang bagyo. Inaasahan na Huwebes ay nakalabas nan g Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Maring. Ulat ni  Amber Salazar