Nagsagawa ng 2 days operation dahil sa Bagyong Jolina ang PDRRMC kung saan naging operation center nito ang Old Capitol, Cabanatuan City. Dahil nag landfall ang bagyo sa Aurora Biyernes ng alas 9 ng gabi , isa ang Nueva Ecija sa nakaranas ng pag-ulan. Alas otso ng gabi noong biyernes August 25, 2017 sinimulan ang operation sa PDRRMC center sa Old Capitol, Cabanatuan City matapos ideklarang nasa storm signal number one ang lalawigan.
Bagopa nag-landfall si bagyong
Jolina ay naka-pre positioned na ang mga heavy equipment ng Provincial Engineering at Department of Public Works and Highways sa mga flash point areas. partikular sa Barangay Marikit, Pantabangan, Puncan sa Bayan ng Carranglan at Bagting, Gabaldon na mga prone sa landslide at flashflood.

LOW LYING AREAS SA CABANATUAN CITY, BINAHA
Binaha naman ang mga mabababang lugar sa Cabanatuan City. Katulad ng Baranggay ACCFA kung saan muntik na rin umapaw ang tubig sa Sapang Buhay Bridge. Malakas din ang naging alon sa Amihan Bridge sa Brgy. Barrera. Inasahan na rin ang hanggang tuhod na tubig sa Barangay ACCFA at D.S. Garcia
Nakalagpas man ang Bagyong Jolina ay patuloy naman ang pag monitor sa dalawang low pressure area na nasa labang ngayon ng Philippine Area of Responsibility. Ang mga buwan ng Setyembre at oktubre ang mga buwan kung saan madalas ang pag pasok ng bagyo lalo na sa gitna at Hilagang Luzon.- Ulat ni Amber Salazar