
Unang paghaharap ng Team Muñoz at Team San Isidro sa bayan ng Quezon
Nagtuos na sa semi-finals ng 2nd Governor’s Cup Intertown Basketball League ang Team San Isidro kontra Team Muñoz at ang Team Cabanatuan kontra Team Rizal noong Biyernes sa bayan ng Quezon.
Sa unang pagkakataon, nagharap ang Team San Isidro kontra Team Muñoz sa do or die game sa Semis.
Sa 1st quarter, nakagawa agad ng 16 na puntos ang shooting guard ng San Isidro na si Edjie Jejillos dahilan upang maungusan ng 7 puntos ang Muñoz. 28-21 ang naging iskor, pabor sa San isidro sa pagtatapos ng 1st quarter.
Sa 2nd quarter, naibaba ng Muñoz ang lamang ng San Isidro sa isang puntos sa natitirang 3:41 seconds, 40-39 hanggang sa maging deadlock, all 43 sa oras na 2:11 seconds.
Pero hindi pumayag ang San Isidro na malamangan sila ng Muñoz kaya sa pagtatapos ng half time, lamang sila ng tatlo, 50-47.
Sa 3rd quarter, bumawi ang Muñoz. Sunod-sunod na puntos ang ginawa nina Jan Michael Gacusan, Carlo Soriano, Erwin Galutan at Kennedy Antolin hanggang sa lumobo ng sampu ang lamang sa San Isidro sa oras na 6:14 seconds.
Mailap para sa mga manlalaro ng San isidro na makapuntos sa 3rd quarter kaya sa pagtatapos nito umabantena ng 7 puntos ang lamang ng Muñoz.
Sa 4th quarter, pinilit ng Team Captain ng San Isidro na mabawi ang momentum sa Muñoz. Sa pamamagitan ni Jejillos, naidikit ang iskor sa 81-82. Sa natitirang 2:53 seconds, naitabla ang laban, all 87.
Sa huling minuto, gumana ang 3-point shot ni Jejillos dahilan upang umabante sa apat ang lamang, 96-92. 47 seconds, bumawi si Antolin ng 3-point shot. At naibalik sa isang puntos ang lamang ng San Isidro. 96-95.
Pagkakataon na sana ng San Isidro na mas lumaki ang lamang ngunit bigo ang mga ito. Sa sumunod na play, nasupalpal ni Gonzales ang tira ni Soriano.
Sa nalalabing apat na Segundo, gamit ang matinding depensa, hindi na pinaubra ng San Isidro na makapuntos pa ang Muñoz. Natapos ang laban, panalo ang San Isidro, 96-95.
Naitanghal na best player of the game si Edjie Jejillos ng gumawa ng 46 big points habang nagtala rin sina Vince Navarro at Nikko Fajardo ng 13 at 9 na puntos.
Ayon kay Coach Ronnie Amoncio, nahirapan ang kanyang mga manlalaro sa naging depensa ng kalaban.
Aminado naman si Head Coach John Agathon na nagkulang ang kaniyang manlalaro sa kanilang play laban sa San Isidro.

Wagi ang Team Cabanatuan kontra Team Rizal sa Semi-Finals ng 2nd Intertown Basketball League.
Samantala, wagi rin ang Team Cabanatuan kontra sa Team Rizal sa iskor na 91-87.
Sa pamamagitan nina Nikko Tena, Jeremy Ingusan at Juancho Tolentino, nailusot ang Cabanatuan sa Finals.
Bumilib naman si Coach Alvin Grey sa mga manlalaro ng Rizal lalo na kay Cabunoc. Sambit din ni grey na very competitive ang kanilang kalaban. –Ulat ni Shane Tolentino