Tuloy-tuloy ang isinasagawang mandatory depopulation ng mga poultry products na apektado ng avian influenza o bird flu sa Bayan ng San Isidro, na sinimulan noong araw ng linggo August 20.
As of 10 am kahapon, August 22 ay umabot na sa 34,400 ang mga napatay na mga manok at bibe sa naturang bayan.
Inaasahan ni Municipal Agriculturist Rosanna Calma na matatapos na ngayong araw ang paglikida sa 75,000 na mga poultry products upang hindi na kumalat pa ang naturang virus.
Sinabi din ni Calma na matatanggap ng mga apektadong poultry growers ang kompensasyon o bayad mula sa gobyerno makalipas o sa loob ng isang buwan.
Tantiya ni Calma aabot sa 50 million pesos ang pagkalugi ng mga apektadong poultry farm.
Pagkatapos ng culling ay isasagawa naman ang cleaning and disinfection at 90 days ang hihintayin bago maideklarang bird flu free muli ang bayan.— Ulat ni Jovelyn Astrero