Mahigit sa limang daang mag-aaral ng Palasinan Elementary School ang nakatanggap ng libreng serbisyo ng Dental Bus ng Provincial Government nitong Agosto 17.

Ito ay sa ilalim ng programang “Smile Mo, Labs Ko” ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali na naglalayong makapagbigay ng Dental Service at makapagturo ng proper oral health sa mga kabataan.

Nakapila ang mga mag-aaral ng Palasinan Elementary School sa bayan ng Cabiao para sa serbisyong hatid ng Dental Bus ng Provincial Government

   Samantala, nakapaloob sa nasabing programa ang iba’t-ibang aktibidad gaya ng pamimigay ng libreng tootbrush at toothpaste. Nagsagawa rin ng drill sa tamang pagsisipilyo ng ngipin at paghuhugas ng kamay

Kasabay ng pagtuturo sa mga estudyante mula kinder hanggang grade 6 ay ang mga libreng dental services gaya ng restoration o pasta, exodontia o bunot, at cleaning o oral prophylaxis na lubos na ikinatuwa ng mga magulang ng mga bata.

Isinasagawa sa loob ng Dental Bus ang oral prophylaxis o paglilinis ng ngipin ng mga mag-aaral ng Palasinan Elementary School

Ayon naman sa principal ng paaralan malaking tulong ito para sa kanilang mga estudyante kaya naman labis ang pasasalamat nito.

Samantala, maaasahan ang tuluy-tuloy na pag-ikot ng dental bus upang maghatid ng serbisyo sa iba’t-ibang panig ng lalawigan.