Napili ang Science City of Muñoz na isa sa limampu’t anim na Local Government Unit (LGU) sa buong bansa na magbubukas ng Lantern sa kani-kanilang nasasakupang lugar bilang simbolo ng pakikiisa sa ika-limampung taong pagkakatatag ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

76 LGU sa buong bansa ang nakiisa sa 50th Anniversary ng ASEAN
Nag-iisa ang Science City of Muñoz sa buong Nueva Ecija na napili para sa selebrasyon na ito. Sabayang Binuksan ng limampu’t anim na LGU sa buong Pilipinas sa pamumuno na rin ni President Rodrigo Duterte na nag bukas ng Giant Lantern sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay City sa eksaktong ika pito ng gabi ng august 8.

Bungkos Palay Dance Company, nagbigay saya sa kanilang cultural dance
Bago magsimula ang Count Down ay inaliw ng Bungkos Palay Dance Company ang mga manonood sa kanilang pag sayaw ng iba’t ibang cultural dance sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Fireworks Display at Street Party para sa mga dumalo sa ASEAN Lighting of Lanterns, inihanda ng pamunuan ng Science City of Muñoz
Sa pagbubukas ng lantern ay sinimulan na rin ang fireworks display na tumagal ng ilang minuto. Lubos ang pasasalamat ni Mayor Nestor Alvarez sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa pag pili sa Science City of Muñoz para sa selebrasyon ng ASEAN. Hindi naman natapos sa lighting of lantern ang selebrasyon sa Science city of Muñoz dahil sinundan agad ito ng ASEAN street party featuring DJ Jennifer Lee at iba pang mga artists. –Ulat ni Amber Salazar