Ginanap ang ikatlong taon ng hakab na the big latch on sa SM Cabanatuan city na nilahukan ng mahigit limampung nagpapasusong ina. Mula sa labing walong ina sa unang taon ng programa ay umabot na sa mahigit limampu ang dumalong mga nagpapasusong ina mula sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija para sa ikatlong taon ng Hakab Na The Big Latch On.

Pagbibigay ng impormasyon tungkol sabenepisyo ng breastfeeding, layunin ng Hakab Na
Ang layunin nito ay mabigyan ng kaalaman ang mga ina sa pangangalaga ng kanilang mga sanggol at ang pagpapakita na rin sa publiko na ang breastfeeding ay normal lamang at hindi dapat ikahiya ng nakakakita o maging ng isang breastfeeding mommy. Isinusulong din ng Hakab Na ang brestfeeding at kung maaari ay huwag agad umasa sa mga formula milk dahil sa mas maraming benepisyo ang makukuha ng isang sanggol kung sya ay naka depende sa gatas ng ina.
Naka aalarma ang iba’t ibang uri ng sakit ang maaaring makuha ng mga bata dahil sa hindi nito makuha ang sapat na nutrisyon galing sa gatas ng kanilang ina.

Pagiging underweight ng isang sanggol, maaaring dahil sa pagiging dependent nito sa formula milk.
Ayon sa datus ng UNICEF at World Health Organization (WHO) nasa 16,000 deaths ang naitala ng taong 2003 dahil sa formula feeding. Nagiging dahilan din ang formula feeding kung bakit underweight ang isang sanggol at kung maipagpapatuloy ang breastfeeding ng sanggol hanggang sa nakakapag produce pa ng gatas ang ina ay mas higit ang makukuhang nutrisyon ni baby.
Sa loob ng isang buwan ay maaaring umabot o humigit pa sa apat na libong piso ang magagastos kung naka depende na sa formula feeding ang mga sanggol na kung tutuusin ay malaking gastos kung ikukumpara sa libreng gatas ng ina. Maaaring itago sa refrigerator ang gatas ng ina na maaaring tumagal ng anim na buwan.
Ang pagbibigay ng impormasyon na ito ay ilan lamang sa layunin ng Hakab Na at bukod pa dito mayroon ding mga pa raffle sa mga nakiisa sa programa na mga gamit ng mga babies katulad ng breast milk bag , bottles at marami pang iba.

Hakab na, malaking tulong sa mga first time mommies.
Ayon kay mommy Sarah malaki ang naitutulong ng ganitong programa na ang layunin ay umagapay sa mga mommies na hindi pa gamay ang pag aalaga ng kanilang mga babies – Ulat ni Amber Salazar