Maaari nang pagdausan ng mga pagpupulong, palaro at iba pang programa ang bagong covered court gym sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City na ipinatayo noong nakaraang taon sa termino ng panunungkulan ni dating Gobernador Aurelio “Oyie” Umali at sa pakikipagtulungan ni Vice Mayor Anthony Umali na dumalo sa blessing at pagpapasinaya ng nasabing gym nitong Agosto 9.

Dumalo si Vice Mayor Anthony Umali kasama si Brgy. Capt. Reynaldo Marcelo sa ribbon cutting ng blessing at inauguration ng bagong covered court gym sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Samantala, bakas sa mukha ng mga residente ang kasihayan sapagkat mayroon na silang magagamit na gym umulan man o umaraw. Ayon kay Marcelino Salazar, presidente ng operations ng barangay, malaking tulong ang inihandog sa kanilang gym sapagkat mas lalong naging interasado ang mga kabataan sa kanilang palaro.

Maari nang mapakinabangan ang bagong covered court gym sa Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City na ipinatayo noong termino ni dating Gobernador Aurelio Umali.

Dagdag pa niya, maaari nila itong magamit sa kanilang fiesta, barangay jamboree, binyagan, at iba pang mga aktibidad.

Nais namang ipaabot ni Barangay Captain Reynaldo Marcelo ang pasasalamat sa pamilya Umali para sa covered court gym na lubos na ikinasaya ng mga residente ng barangay. -Ulat ni Irish Pangilinan