Kapihan with the media ng Department of Trade and Industry Nueva Ecija

Ipinakita ng Department of Trade and industry Nueva Ecija ang kanilang mga accomplishment sa iba’t ibang programa sa nakaraang anim na buwan ng taong 2017. Target ng DTi na mapalago ang mga Micro,Small Medium enterprise sa lalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng ilang mga programa katulad ng pagbibigay ng training sa ilalim ng SME Roving Academy na sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong 2017 ay nakapag conduct ng 32 trainings kung saan 1,592 ang na benepisyuhan.

Pagbibigay ng Loans sa mga nagnanais magpalago o di naman kaya’y mag simula ng kanilang sariling negosyo. Ilan pa sa mga serbisyong ibinibigay ng DTI ay ang Kapatid Angat lahat! , Negosyo Center na may 9  branches sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija, At Mentor Me program.

Sa loob ng anim na buwan ay umabot na ng 1,633 ang natulungan ng Department of Trade and Industry na mas mataas pa sa target na 1,602 micro small medium enterprise na mabibigyan ng suporta ng DTI.

Inadopt ng DTI ang 7m’s na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte o Mindset, Mastery, Mentoring, Market access, Money, Machines at Models na naglalayong tulungan ang mga Micro, Small, Medium enterprises (MSME)  sa bansa. Nasa 99.6 % ng mga business establishment sa bansa ay mga small,micro,  medium enterprises, malaking tulong ito sa mga pilipinong naghahanap ng trabaho. Ang mga MSME  ay nagbibigay ng 35.7 % ng total value added tax sa bansa.  Mula January hanggang june 2017 nakapag release ng mahigit 8 million pesos na pondo na karamihan ay napunta sa mga small business corporation, na exceed ng DTI Nueva Ecija ang karamihan ng kanilang target para sa unang anim na buwan ng taon at  inaasahan naman na magpapatuloy ang magandang simulain ng DTI para makatulong sa mga micro, small, medium enterprises -Ulat ni Amber Salazar