Pinasinayaan na ang bagong PNP building sa Bayan ng San Antonio na dinaluhan ng mga kapitan ng barangay, Kapulisan ng San Antonio, Mayor Arvin Salonga at  Governor Czarina “Cherry” Domingo- Umali bilang guest speaker. Ayon kay Mayor Arvin Salonga bagamat matagal nag tiis ang mga kapulisan sa dati nitong opisina sa wakas ay may bagong tahanan na ang mga kapulisan sa San Antonio na kanilang  maipagmamalaki.

Naniniwala si Governor Cherry Umali na ang pagbibigay ng suporta sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan ay makatutulong upang lalong maging epektibo ang pag puksa sa kriminalidad at illegal na droga. Ang PNP building na ito ay magiging bagong quarters ng apatnapu’t syam na kapulisan ng Bayan ng san Antonio.

Governor Cherry Umali, nagbigay ng donasyong dalawang computer unit at printer sa San Antonio PNP

Nag bahagi rin ng donasyong Dalawang computer desktop units at dalawang printer si Gov. Czarina Umali sa PNP San Antonio para magamit ng mga kapulisan. Lubos naman ang pasasalamat ng PNP sa suporta ni Governor Cherry umlai.

“Kapulisan, dapat din lalong paghusayin ang paglilingkod sa mamamayan” – Police Chief Inspector Marlon Cudal, San Antonio

Ayon kay Police Chief Inspector Marlon Cudal hindi lamang dapat ang gusali ang nag upgrade kundi pati na rin ang serbisyo sa mga mamamayan ay patuloy na pinaghuhusay. –Ulat ni  Amber Salazar