Ipinakita ni Mayor Ricardo Padilla ang kanyang mga napagawang mga proyekto para sa Bayan ng Bongabon sa kanyang kauna-unahang Ulat sa Bayan na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mamamayan ng Bongabon na ginanap sa kanilang Municipal Gym.

Kalusugan, karunungan, katiwasayan at kaunlaran, binigyang pansin ni Mayor Ric sa kanyang panunungkulan
Nag focus si Mayor Ric Padilla sa kanyang tinatawag na apat na K o Kalusugan, Karunungan,Katiwasayan at Kaunlaran. Ilan lamang ang dental mission, drainage canal,perimeter fence, day care center, concreting of barangay road, end TB program, malaria control program, dengue control program, concreting of barangay road, nutrition program, school based deworming, bagong patayong birthing facility, streetlight improvement, laboratory services sa mga proyektong isinagawa at patuloy na ginagawa ni Mayor Ric sa Bongabon.
Maging ang kanyang sariling lupa ay libreng ipinahiram upang gawing paradahan ng mga bagong bili na mga heavy equipment na ginagamit sa mga proyekto ng bayan ng Bongabon.

Pagkakaisa ng Gobyerno at mamamayan para paunlarin ang Bongabon, hiling ni Mayor Ric Padilla
Ayon kay Mayor Ric isa din sa kanyang focus sa mga susunod na taon ng kanyang panunungkulan ay ang paglalagay ng drainage system sa bawat barangay.

Malawakang pag baha ang isa sa pinaka malaking problema ng Bongabon lalo pa at ang karamihan ng mga mamamayan ay agrikultura ang ikinabubuhay
Paalala din ni Mayor Ric na kailangan din suportahan ng mga mamamayan ang mga proyekto na ito sa pamamagitan ng pag babayad sa Real property tax at community tax. Pagkakaisa naman ang hiniling ni Mayor Ricardo Padilla sa knaynang mga kababayan para lalong mapaunlad ang Bongabon sa mga susunod na taon ng kanyang termino bilang alkalde. Ulat ni Amber Salazar