Sabay-sabay na nagkaroon ng bagong kaalaman ang mahigit kumulang isang libong mga IT students na nagmula pa sa ibat-ibang Universities at Colleges ng Nueva Ecija,  para sa isinagawang seminar ng Central Luzon Congress on Information Technology 2017, na ginanap sa Convention Center, Palayan City.

Inorganisa ng Eglobio Training Center ang naturang seminar na may temang “Empowering People and Innovation in Computing Towards Asean Integration”.

Para mas mapalawak pa at maging aware ang mga IT students sa panibagong imbensiyon na teknolohiya, tulad ng adobe experience design, android mobile apps development, network security, at arduino microcontroller na tinalakay ng tatlong speaker na sina Mr. Rollan Bañez, Profesor Erwin M. Globio at Mr. Emmanuel M. Globio

Mga bagong imbensiyon na teknolohiya, Ipinagbigay alam sa mga IT students sa Nueva Ecija

Sa panayam ni Erwin M. Globio Managing Director ng E-globio Center, ang layunin ng programa ay para ma-upgrade ang kaalaman ng mga estudyante sa makabagong teknolohiya.

Ang mga partisipante ay mula sa Core Gate College San Jose, Nueva Ecija University of Science & Technology, Araullo University, Holy Cross College, Don Bosco Technical Institute Tarlac,  Our Lady of the Sacred Heart College, Nueva Ecija University of Science and Technology Gapan City Campus, General De Jesus College,  Isynergies College at Sto. Domngo National Trade school.

Ayon kay Eiron Nacop, madami siyang natutunan sa training event na ito, tulad nalang ng adobe experience design, at payo nito sa mga kabataan na kung gusto talagang maging innovative kailangan ay magpursige para sa pagtupad ng mga pangarap.

Laking pasasalamat naman ni Alvin Dela Cruz Nardo, dahil sa magandang oportunidad na ibinigay sa kanila para makatulong at mapaunlad pa ang kanilang kamalayan sa pagbabago ng teknolohiya.

Nagpapasalamat din siya sa mga naging speaker, dahil sa ibinigay na oras at sa ibinahaging mga kaalaman.  Ulat ni Phia Sagat