Ibinalita ni  Mayor Ricardo Padilla ang balak na gawing isang tourist destination ang Bayan ng Bongabon sa ginanap na State of the Municipality Address sa pamamagitan ng pag develop sa mga posibleng tourist spot sa lugar.

Ayon kay Mayor Ric ang Bongabon ay hindi karaniwang  puntahan ng mga turista na nagnanais mag bakasyon, kalimitan ay pag bisita sa kamag anak at pag bili ng produkto ang dahilan upang dumayosa Bayan ng Bongabon ang siang turista.

Bongabon, sagana sa likas na yaman

Sa katunayan ay maraming Likas na yaman ang Bongabon na maaaring maging turist spot kaya naman patuloy ang development nito upang sa mga susunod na taon ay maging bukas na sa mga turista.

Ipinagmalaki ni Mayor Ricardo Padilla ang paghahanda sa Bongabon bilang isang tourist Destination sa Lalawigan ng  Nueva Ecija.  isa na ang Nueva Ecija backpackers and Mountaineers Community Incorporated sa bumisita sa ilan sa mga dine-develop na tourist destination sa lugar.

Ilog Jordan sa Barangay Olivete ay dinarayo ng turista na nagnanais ng
Spiritual rejuvenation at healing sa malinis nitong tubig

Sierra Madre Mountains View Deck na matatapos ang pagpapagawa sa taong  2018

Mt. Dilalam na bubuksan na sa mga turista sa pag pasok ng buwan ng Setyembre

Inayos at pinaganda rin ang Doña Aurora Shrine na ipinangalan Kay  first lady Aurora A. Quezon na inambush sa Baler- Bongabon road na matatagpuan sa Labi, Bongabon.

Ipinakilala rin ang 7 wonder falls na kinagigiliwang puntahan ngayon ng mga mountaineers at nagnanais maka experience na maligo sa talon.

Ayon kay Mayor Ric makatutulong din ang turismo sa mga mamamayan na magkaroon ng iba pang pagkakakitaan sa lugar. – Ulat ni Amber Salazar