Sa patuloy na pag-iikot ng Kitchen on Wheels sa buong Nueva Ecija  para  mag bigay serbisyo sa mga bata ay dumayo  naman ito sa Villarosa Elementary School sa Licab, Nueva Ecija. Mayroon itong 355 estudyante mula sa Kindergarten hanggang Grade 6.

Kahirapan, nakikitang isa sa dahilan kung bakit hindi nakakakain ng agahan ang mga bata.

Sopas at orange juice ang pinagsaluhan ng lahat ng estduyante. Ang Kitchen On Wheels ay isa lamang sa  programa ng Pamahalaang Panlalawigan na para sa mga kabataan. Masaya din ang mga magulang dahil sa  feeding program na ito. Anila sana ay maging regular ang feeding program para sa mga kabataan.

Hindi ito nag unang beses na   nag abot ng tulong  ang Pamahalaang Panlalalwigan sa Villarosa Elementary School dahil  sa panunungkulan pa ni Former Governor Oyie Umali ay kaagapay na ng Villarosa Elementary School ang Pamahalaang Panlalawigan. Lubos ang pasasalamat ng guro sa Pamahalaang Panlalwigan para sa libreng agahan na handog ng Kitchen on Wheels. Iikot pa rin ang Kitchen On Wheels serbisyo para sa bata sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija.- Ulat ni Amber Salazar