Naghatid ng serbisyo ang dental bus sa ilalim ng Smile ko labs ko program sa 422 estudyante ng Casimiro Elementary School. Ito ay upang mabigyang ng pansin ang oral health ng mga kabataan na ayon kay Dr. Umali head Dentist ng Dental mission ay isa sa pinaka napapabayaan. kaya naman jam packed ang iba’t ibang serbisyo na hatid ng Smile ko labs ko na handog serbisyo ni Governor Cherry Domingo-Umali
Ang mga nakapaloob na serbisyo dito ay ang free dental check-up, bunot ng ngipin, linis ng ngipin, pagpapasta sa ngipin, libreng gamot, dental education,toothbrushing drill, free toothpaste at toothbrush.

PAGTANGGAL SA BULOK AT MILK TEETH NG MGA KABATAAN, LIBRENG IBINIGAY NG SMILE MO LABS KO PROGRAM
Sa Edad na ito ng mga bata ay dito na isa-isang tumutubo ang kanilang permanent teeth na maaaring magkaroon ng problema kung hindimatatanggal ang kanilang milk teeth. Kitang kita naman ang excitement ng mga bata para sa libreng serbisyo na ito ng provincial government. Lalo pa at ilan sa kanila ay ngayon pa lamang mapapastahan at makapagpapalinis ng ngipin.

DENTAL MISSION NA PINANGUNAHAN NG PROVINCIAL GOVERNMENT, LIBRENG IBINIBIGAY SA MGA KABATAAN
Ayon naman kay nanay Carmelita malaking tulong ang ganitong serbisyo lalo pa at lahat ng ito ay libreng ibinibigay sa mga kabataan. Sinamahan nya ang kanyang anak na isa lamang sa mga kabataan na nagpabunot ng ngipin na libreng inihandog ng Smile mo labs ko program ng Provincial Government.
Nagpasalamat din ang principal ng san Casimiro Elementary School sa patuloy na suporta sa mga mag aaralsa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kanilang kalusugan. Patuloy namang iikot angdental bus s buong lalawigan para mag bigay serbisyo para sa mga kabataan –Ulat ni Amber Salazar