Hindi binigo ng Team San Isidro ang kanilang fans sa do or die game sa elimination round ng 2nd Governor’s Cup Nueva Ecija Inter Town Basketball Tournament nang mapataob nila ang Team Bongabon, 98-91.
Sa 1st quarter pa lang, makikita na ang higpit ng depensa ng bawat koponan. Dikit ang laban hanggang tumuntong ang 2nd quarter. Sa pagtatapos ng 1st half, lamang ng isang puntos ang Team Bongabon, 48-47.
Sa 3rd quarter, mas sumiklab ang bangis ng mga key players ng Team San Isidro. Sa tulong-tulong na pagpuntos nina Fajardo, Jejillos, Navarro, Gonzales, at Atacador, lumobo ng 12 puntos ang kalamangan, 73-61 sa pagtatapos ng 3rd quarter.

Hinabol ng Team Bongabon ang malaking kalamangan ng Team San Isidro. Sa pamamagitan ni Llanes, naitabla sa 90 points sa natitirang 34 seconds.
Pagpasok ng last quarter, dikdikan pa rin ang laban ng dalawang koponan. Pilit na hinabol ng Team Bongabon ang malaking kalamangan sa 3rd quarter ng San Isidro. Sa pamamagitan nina Sarmiento, Cabuhat, Sibayan, Abalo at Llanes, naitabla sa 90 points ang laban sa natitira nitong 34 seconds.

Team San Isidro, hindi pumayag na madaig ng Team Bongabon. Sa pamamagitan ng diskarte nina Edjie Jejillos, Team Captain at Nilo Gonzales, nagtagumpay sa huli ang kanilang koponan.
Hindi naman pumayag ang team captain ng San Isidro na si Edjie Jejillos. Nakakuha ito ng foul galing kay Abalo at 2 free throws ang ibinigay ng referee. Sa pagkakasablay sa huling tira ni jejillos, nasteal pa rin niya ang bola at ibinigay kay Gonzales.
Bukod dito, tuloy-tuloy pa rin ang pagpuntos ng San Isidro hanggang sa magtapos ang score sa 98-91. Nanguna sa panalo ng San Isidro si Nilo Gonzales na may 20 points habang 19 points si Jejillos.
Ayon kay Coach Ronnie Amoncio ng Team San Isidro, nahirapan ang kanyang players sa depensa ng Bongabon. Dagdag pa niya, importante sa kanila ang larong ito. Dito kasi nakasalalay ang kanilang pagpasok sa Quarter Finals ng palaro.
Maluwag namang tinanggap ng Team Bongabon ang kanilang pagkatalo at aminado na malakas ang San Isidro.

Team San Isidro, nanatili sa unang pwesto sa pagtatapos ng Elimination Round ng palaro.
Samantala, pasok na ang Team San Isidro sa final four ng South District. Kasama nila ang koponan mula sa San Antonio, Cabanatuan City at Jaen.
Habang hinihintay nila ang mga papasok na koponan sa North District, tuloy-tuloy lang ang kanilang pag-eensayo.
Nakatakdang magsimula ang Quarter Final Round ng 2nd Governor’s Cup Nueva Ecija Intertown Basketball Tournament sa buwan ng Agosto.- Ulat ni Shane Tolentino