Mula sa anim naput apat na barangay ng Bayan ng Guimba ay bumuo ng apat na koponan ang mga Kapitan na maglalaban laban sa 1st Boyong-boyong R. Dizon and Association of Barangay Captains Basketball Tournament na pormal na binuksan kamakailan.

Team Laod

Team Amianan

Guest players naman ang mga bumubuo ng isa pang Team na mga kawani ng Munisipyo ng Guimba.

Team Tingnga

Team Tingnga

Nagsilbing Panauhing Pandangal si Former Governor Atty. Aurelio “Oyie” Matias Umali na nagpahayag ng kanyang paghanga sa Punong Bayan na si Mayor Boyong-boyong Dizon.

Sa kanyang talumpati ay inihayag din ni Atty. Oyie Umali ang kanyang kagustuhan na makilahok sa naturang palaro sa susunod na paliga ng Munisipyo.

Team Bagatan

Team Daya

Bilang pakikibahagi ay nagkaloob ang Dating Gobernador ng karagdagang papremyo sa tatanghaling Kampeon, nagbigay din ito ng tig-sampong libong piso bawat team, na ikinagalak naman ng mga Kapitan.

Para sa mga Barangay Captains, hindi nila itinuturing na kalaban ang mga kapwa nila Punong Barangay dahil ang layunin ng palaro ay ang mapagbuklod at magkaisa ang lahat ng mga Kapitan at mga barangay ng Bayan ng Guimba.

Ayon kay Allan Eugenio, Sports Officer ng Guimba, ang mga laro ay gaganapin tuwing araw ng biyernes sa bawat Umali Gym na naipatayo sa mga barangay ng naturang Bayan.

Sisikapin umanong makapaglaro ng mga Kapitan sa kabila ng edad ng ilan sa kanila upang maipakita ang pakikibahagi at pakikiisa sa naturang palaro.— Ulat ni Jovelyn Astrero