Ilang linggo bago sumapit muli ang pasukan ay maaga nang sinimulan ng mga pampublikong paaralan ng Elementarya at Sekondarya sa Lungsod ng Cabanatuan ang Brigada Eskwela 2017.
Sa papalapit na pasukan ay kasamang nakiisa si Vice Mayor Anthony Umali sa taunang Brigada Eskwela ng Department of Education na ang tema ay “SANG DEPED, ISANG PAMAYANAN, ISANG BAYANIHAN PARA SA HANDA AT LIGTAS NA PAARALAN.” Na kung saan ay sinimulan noong lunes May 15.
Maliban sa paglibot sa ibat-ibang paaralan ay naghatid rin ito ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng isang pintura na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pamamahagi ng pintura ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lungsod ng Kabanatuan, lubos na ikinasiya ng mga guro
Masaya ang mga paaralang nabiyayaan nito sapagkat malaking tulong ang nasabing pintura upang mapaganda ay mas mapalinis pa lalo ang kani-kanilang mga paaralan upang maging maayos para sa darating na pasukan.
Ang mga paaralang nabiyayaan ay ang mga sumusunod: Aduas Centro Elementary School, Daan Sarile Integrated School, Cruz Roja Elementary School, Obrero Elementary School, Valdefuente Ele4mentary School, Mayapyap Norte Elementary School, Mayapyap Norte National High School, Caudillo Elementary School, Marciano Del Rosario Memorial Elementary School, Marciano Del Rosario Memorial High School.
Sa nasabing programa ay kasama ring nakiisa at tumulong ang mga Girlscout at Boyscout sa pamumuno ni Kon. Nero Mercado sa paglilinis ng silid aralan at paglilipat ng ibang mga kagamitan na hindi na mapakikinabangan.

Girlscout at Boyscout kasamang nakiisa sa paglilinis ng mga silid aralan sa pamumuno ni Konsehal Nero Mercado
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa nito sa iba pang mga Pampublikong Paaralan dito sa Lungsod ng Cabanatuan. –Ulat ni Myrrh Guevarra