Kasabay ng pagdiriwang ng Regional Commemoration ng International Aids Candlelight Memorial katuwang ang Department of Health, ay pinasinayaan na ang bagong Hiv Satellite Treatment Hub sa Pjg Talavera Extension Hospital na magbibigay ng libreng Counseling sa mga biktima ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.

Pinasinayaan na ang bagong HIV Satellite Treatment Hub sa PJG Talavera Extension Hospital para mapakinabangan ng mga biktima ng HIV
Bawat isa ay nagsindi ng kandila at ipinalipad ang mga pulang lobo bilang hudyat ng pagbubukas ng bagong Treatment hub.
Ayon kay Dr. Catherine Salazar, Hact leader ng Talavera’s hope, layunin ng naturang programa na mapababa ang bilang ng mga Hiv cases at magbigay ng Awareness lalong lalo na sa mga kabataan.

Layunin ng naturang Proyekto na magbigay ng awareness sa mga tao lalong lalo na sa mga kabataan
Dagdag pa ni Dr. Salazar tinawag nilang HOPE o Hub Offering Plhiv’s Empowerment ang Treatment hub para magbigay ng bagong pag-asa at makabangon mula sa pinagdaraanan dulot ng Hiv.
Sa mensahe ni Dr. Edwin Santiago Provincial Health team leader , sinabi nito na magpakonsulta agad sa Treatment hub upang malaman ang iyong Hiv status at pinayuhan din nito ang mga tao na laging mag-ingat upang maiwasan ang Hiv.
Maliban sa Hiv Counseling and Testing, kabilang sa mga serbisyong inaalok ng hub sa mga Novo Ecijano at iba pang mamamayan sa labas ng lalawigan, ang Syphilis screening, Hepatitis B screening, Consultation screening and Treatment of Sexually Transmitted infection, Provision of Condoms and lubricants and Provision of Antiretroviral Drugs.
Sa buong lalawigan ng Nueva Ecija sa 362 Asymptomatic cases na kanilang naitala, nangunguna ang Cabanatuan City na may walumpu’t limang kaso, Pumangalawa ang Gapan na may dalawampu’t walong kaso, Pangatlo ang Talavera na mayroong dalawampu’t limang kaso, sumunod ang San Jose City na may dalawampu’t tatlong kaso at panghuli ang Munoz na may labingsiyam na kaso.
Para sa mga gustong magpakunsulta maaari lamang na pumunta sa Pjg Talavera Extension Hospital para sa iba pang impormasyon. -Ulat Majoy Villaflor