Nakiisa ang mga Novo Ecijano sa kauna-unang Run For Change sa Nueva Ecija, na sinuportahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina Domingo Umali at sa pakikipagtulungan nina Atty.  Aurelio Umali at cabanatuan city Vice Mayor Doc Anthony Umali na ginanap sa Freedom Park Cabanatuan City nitong nakaraang linggo, April 30.

Nilahukan ng daang-daang mga Novo Ecijano ang kauna-unahang takbo para sa pagbabago sa Nueva Ecija, na sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina Domingo Umali

Lumahok ang mga partisipante sa 3kilometers, 5kilometers  at 10kilometers run.

Ayon kay Julius Dela Cruz na dumayo pa mula sa bayan ng San Antonio, para sa kanya maganda ang programa na ito dahil bukod sa mabuti ito sa kalusugan ay ma hihikayat pa ang mga kabataan na umiwas sa mga masasamang bisyo.

Nakatanggap naman ang mga Winners ng Certificate, Medals, T-shirt, Appliances, at Cellphone, habang ang mga hindi naman pinalad ay nakatanggap parin ng Certificate at T-shirt.

Ayon naman kay Greco Belgica, Goodwill Ambassador ng Run For Change, ang fun run activity na ito ay pag suporta sa anti drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbabago.

Dagdag pa niya,layunin din ng naturang aktibidad na maisakatuparan ang kanilang pangarap na maitayo ang bahay ng bagong buhay transformation and rehab center.

Nagpasalamat din si belgica sa lahat ng tumulong at sumuporta na nagbunga ng maayos at matagumpay na aktibidad sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Samantala, ipinahayag naman ni Vice Mayor Anthony Umali ang kanyang pakikiisa sa naturang programa.

Nagpapasalamat umano siya sa Pangulo ng Bansa dahil sa pagpapatupad nito ng mga kapaki-pakinabang na programa tulad ng run for change na makakatulong sa pagbabago ng bawat pilipino na nalulong sa masamang bisyo.

-Ulat ni Phia Sagat