Ipinamahagi na ang limang pu’t isa na mga farm machineries sa mga magsasaka ng apat na distrito ng lalawigan ng Nueva Ecija na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina Domingo Umali na ginanap sa Nueva Ecija Farmers Traiding Center Calibangbangan, Cabanatuan City noong April 18, 2017.

Mga magsasaka ng Neuva Ecija, binigyan ng machinery ni Governor Cherry Umali

Sa unang distrito nakakuha ang mga  piling mga bayan at barangay ng labing isang combine harvesters, anim na reapers at dalawang threshers, sa ika-lawang distrito naman napamahagian sila ng siyam na combine harvesters at apat na threshers, sa ikatlong distrito ay anim na combine harvesters, tatlong reapers at tatlo ding threshers habang sa ika apat na distrito ay nakatanggap sila ng pitong combine harvesters.

Ayon kay Macario Bautista ng Murcon, Llanera, Nueva Ecija ang mga farm  machineries na ibinigay ng Governadora ay talaga namang makakatulong sa kanila para mas mapabilis ang pag-ani ng mga palay.

Laking pasasalamat naman ni Arthuro de Gracia kay Governor Cherry Umali dahil umano sa ibinigay na kaginhawan sa mga magsasaka

Nagbigay naman ng mensahe ang Provincial Agriculturist na si Serafin Santos sa mga beneficiaries na sana ay ingatan nila ang mga ipinamahagi sa kanila na mga farm machinery na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan.

-Ulat ni Phia Sagat