Kinoronahan ang kauna unahang Sibuyas Festival King & Queen 2017 nasi Bon Adrian Basa na mula sa Barangay Tulay na Bato, at si Kaycee Apostol ng Barangay Santor na umangat ang kaguwapuhan at kagandahan mula sa labing anim na kalahok

Nagpakita ng galing sa pagrampa ng mga kasuotan at husay sa pag sagot sa Question and Answer Portion ang dalawa, dahilan para  itanghal sila bilang reyna at hari ng gabi.

Bago ang koronasyon nag pasiklaban muna ang labing anim na kandidata at ipinakita ang pagiging malikhain nang irampa nila ang Festival Attire na idinaos sa Town Plaza Bongabon Nueva Ecija noong April 08 2017.

Habang  umulan din ng minor awards kabilang na ang Best in Casual Attire, Best in Formal Attire, Best in Production Number, Best in Swim Wear Best in Talent at marami pang iba.

Ang nakuha muli ng dalawang kampeon ang Best in Festival Attire

Laking pasasalamat naman ng dalawang nag wagi sa lahat ng mga sumoporta at nagtiwala sa kanila.

Ayon kay Keneth Camania isa sa mga naging Organizer ng pageant ang layunin ng patimpalak na ito ay mapromote ang mga beauty queens para makilala pa ang bayan ng Bongabon.

Dagdag pa niya worth it ang naging pagod nila dahil maganda ang kinalabasan ng kanilang pageant. Ulat ni Phia Sagat