Suportado ng Provincial Government of Nueva Ecija ang layunin ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) na palakasin at suportahan pa ang mga kababaihan sa Lalawigan ng Nueva Ecija.

Ms. Elvie Ronquillo
Representative, Guest Speaker
Binabalak din ng Provincial Government na maglagay ng women’s desk sa bawat bayan upang mas lalo pang matutukan ang mga pangangailangan at ma-protektahan ang mga kababaihan, ito ang inilahad ni Miss Elvie Ronquilo na representante ng Ina ng Lalawigan Governor Cherry Domingo-Umali sa kanilang Women’s Month Celebration na ginanap sa NE Pacific mall.
Bago magtapos ang Women’s Month nag tipon-tipon ang mga myembro ng KALIPI para sa Search for Ginang KALIPI 2017at zumba competition na nilahukan ng mga KALIPI members sa lalawigan ng Nueva Ecija.

IPINAKITA RIN DITO HINDI LAMANG ANG GANDA NG MGA NOVO ECIJANA KUNDI PATI NA RIN ANG KANILANG TALENT.
LUMAHOK SA GINANG KALIPI 2017 ANG MGA REPRESENTANTE NG;
Jaen
Cabiao
Sta rosa
Llanera
Rizal Zaragoza
San Leonardo
At lupao.
3rd runner up si candidate no. 8 ng Rizal, 2nd runner up si contestant no 3 ng Jaen, 1st runner up naman contestant no 5 ng San Isidro at tinanghal bilang Ginang KALIPI 2017 si contestant no 1 ng Zaragoza nueva Ecija

NAGPASIKLABAN DIN NAMAN SA PAG SAYAW ANG MGA KABABAIHAN SA ZUMBA COMPETITION
Ang celebrasyon na Ito ay parte pa rin ng women empowerment ng kalipunan ng liping pilipina.