Naiuwi muli ng Nueva Ecija Highschool ang kampeonato sa Ikalimang pagkakataon kaya naman itinanghal ang naturang eskwelahan bilang Hall of Famer sa ginanap na Step Up 5 inter-schools dance competition sa n.e pacific mall.

Itinanghal bilang Hall of Famer ang Nueva Ecija Highschool   sa ginanap na Step Up 5 Inter-Schools Dance Competiton.

Kitang kita ang kanilang galing sa pagsasayaw ng mapahanga ang mga manonood lalo na ang limang Judges.

Hindi maipinta ang saya ng Nueva Ecija Dance Group dahil sa pagkapanalo muli ngayong taon, nagkamit ng 30,000 Cash, Tropeyo at Certificate  ang grupo sa pinakamataas na puntos sa Highschool Division na 92.1 Percent na ibinigay ng mga hurado.

Ayon sa Coach ng Nehs na si Vivencio Sakay, determinasyon at tyaga sa pagsasanay ang sikreto ng grupo kaya napagtagumpayan nila ang kompetisyon.

Nagpasalamat din ang isa sa miyembro ng nasabing eskwelahan na si Jake Evallar sa lahat ng sumusuporta sa kanila.

Hindi rin nagpahuli ang Eastern Cabu nakamit nila ang Pangalawang pwesto sa puntos na 91.1 Percent at nakatanggap ng 10,000 Cash, Tropeyo at Certificate.

Habang kinilala naman sa Pangatlong pwesto ang Camp Tinio National High School dahil sa ipinakitang husay sa pagsasayaw nagbulsa ng 20,000 Cash, Tropeyo at Certificate ang grupo sa puntos na 92 percent.

Wagi rin sa Senior Highschool Division at College Contemporary Division ang Wesleyan University of the Philippines na nagpakita ng emosyonal na pagsasayaw na may konseptong Conflict of love.

Masayang masaya at nagpapasalamat ang Coach ng Wesleyan na si Pastor Paulo Alejo sa pagkapanalo ng grupo sa kompetisyon.

Ayon kay Purificacion Jumaquio, Sports and Games Inspector 1 ng Provincial Government layunin ng programa na maipakita ang talento ng mga kabataang Novo Ecijano at madagdagan pa ang kaalaman sa larangan ng pagsasayaw.

Dagdag pa  ni Jumaquio, ang konsepto na ginamit sa Junior at Senior High School Division ay naglalayong maipromote ang lalawigan ng Nueva Ecija. -Ulat ni Majoy Villaflor