Natatawa na lamang si Vice Mayor Anthony Umali sa paulit-ulit na pagsingit ni Kon. Ruben Ilagan ukol sa itinutulak nitong panukala na pag-amyenda sa Internal Rules, sa Ika-Labing Isang Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan.
Ayon kay VM Umali, nakakahiya sa mga manunuod ang kanilang ikinikilos na parang mga batang hindi nakakaintindi.
Sa huli, suhestiyon ng Bise Alkalde, magkaroon sila ng close door meeting upang mai-ayos at matapos na ang naturang usapin.
Ito na ang ikalimang beses sa regular session na halinhinang nangungulit ang pitong konsehal na nagsusulong ng naturang panukala. –ULAT NI DANIRA GABRIEL