Bumilib  ang mga Novo Ecijanong nanood ng kauna unahang Cabanatuan Fireworks fest sa Sm Cabanatuan City. nagpakitang gilas ang bansang Malaysia, China at Japan sa iba’t ibang tema ng kanilang fireworks na sumasabay sa saliw ng musika.

Napabilib din ang libo-libong  mga Novo Ecijanong nanonood ng kauna-unahang Cabanatuan  Fireworks  Fest na ginanap sa Carpark ng Sm Cabanatuan City.

Nagpakitang gilas ang China, Malaysia at Japan na may ibat ibang sequence ng fireworks na sumasabay sa saliw ng iba’t ibang musika.

Kanya-kanyang labas ng cellphone upang makuhanan ang fireworks display na tumagal din ng mahigit kumulang 5  minuto bawat bansa na nag present.

Sa pagtatapos ng unang bahagi ng fireworks festival, may kanya kanya nang paborito ang ang mga manonood.

Naglunsad ang SM Cabanatuan  ng kauna-unahang Fireworks Fest

Lubos ang pasasalamat ng Sm Management sa mainit na pag tanggap ng mga Novo Ecijano sa Fireworks Destival at inaanyayahan ang bawat isa na puntahan ang pangalawang bahagi ng fireworks display na gaganapin sa March 4 araw ng Sabado sa Sm Cabanatuan City Car Park.Sa susunod na parte ng fireworks display makikita naman ang galing ng Malaysia, Indonesia at syempre ang Pilipinas. – ulat ni Amber Salazar