
100 TAONG PAGKAKATATAG NG BAYAN NG GENERAL TINIO (PAPAYA).
Ipinagbunyi ng mga mamamayan at pamahalaan ng General tinio (Papaya) ang kanilang ika-100 taong pagkakatatag bilang isang munisipalidad.

Iba’t ibang paninda ang makikita sa harapng munisipyo mula sa mga mamamayan at cooperatiba ng General Tinio (papaya)
Isang linggong selebrasyon ang inihanda ng pamahalaang local para sa mga mamayan kung saan ilan dito ay ang pagtatayo ng tyangge, cook fest at marami pang iba.

Mula sa pagiging Sitio at Baryo ng Gapan at Peñaranda ay naitatag ang bayan ng General Tinio (Papaya) noong March 10 1917.

MAKASAYSAYAN ANG SELEBRASYON NG IKA – 100 TAONG PAGKAKATTAG NG BAYAN NG GENERAL TINIO ANI NI VICE MAYOR ANTHONY UMALI
Dumalo sa Flag raising si Vice Mayor Anthony Umali bilang kinatawan ni Governor Czarina Umali upang pormal na buksan ang selebrasyon. Hindi man nakadalo Si governor Cherry ay nag iwan naman ito ng mensahe para sa General Tinio (Papaya).

Ayon kay Vice Mayor Melvin Pascual malaki na ang iniunlad ng Papaya sa loob ng 100 daang taon.
Binigyang pugay din ang mga nakaraang mga namumuno na naging pundasyon ng kasalukuyang pamahalaan ng Papaya.

Patuloy na pagbibigay ng pagmamahal at tunay na pagkakaisa ang iniwang mensahe ng Punong Bayan ng General Tinio.
– Ulat ni Amber Salazar