Nilinaw ni VM Anthony Umali ang isyu na pinapahirapan di umano nila sa Sanggunian ang mga Kapitan sa pagdinig ng Annual Budget. Aniya, hindi pagpapahirap ang pagdaan sa tamang proseso.
Pinabulaanan ni VM Anthony Umali ang di umano’y kumakalat na isyu na pinahihirapan ng Sangguniang Panlungsod ang mga Kapitan sa pagdinig ng kanilang Proposed Annual Budget for 2017.
Ayon kay Committee of the Whole Chairman VM Anthony Umali, hindi pagpapahirap ang pagdaan sa tamang proseso.
Sa katunayan aniya, kaya nila hinihimay-himay ng mabuti ang proseso ay upang alamin kung ano pa ang mga pangangailangan ng bawat barangay upang mapunan ng sanggunian.
Pinasalamatan din ng Bise Alkalde ang prisensiya ng mga dumalong Kapitan. Makakaasa aniya ang mga Punong Barangay na ang respetong ibinibigay nila sa sanggunian ay masusuklian.
Kabilang sa labing isang dininig na mga barangay ay ang Brgy Bitas, Brgy Cinco-Cinco, Brgy H. Concepcion, Brgy Nabao, Brgy Pagas, Brgy Sangitan Este, Brgy Barlis, Brgy Supermarket, Brgy Sangitan, Brgy San Isidro at Brgy Sta rcadia. -Ulat ni DANIRA GABRIEL