Hati ang opinyon ng ilang mga Cabanatueño na aming nakapanayam tungkol sa usapin nang pagpapanumbalik ng parusang kamatayan sa bansa.

   Mainit parin ang usapin tungkol sa muling pagbabalik ng Death penalty sa bansa, ngunit pansamantala muna itong sinuspinde ni Senator Richard Gordon, Chair of Committee matapos malaman ng mga senador na may pinirmahan ang pilipinas sa International Treaty na nagbabawal na maibalik ang parusang kamatayan sa pilipinas.

   Marami pa ang pumapabor na maibalik ang Death Penalty pero marami din ang hindi sang-ayon.

   Dito sa Cabanatuan City sinubukang kunin ng Tv48 News team ang opinyon ng mga Cabanatueño sa nasabing usapin.

Hati ang opinyon ng mga Cabanatueño tungkol sa pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

Hati ang opinyon ng mga Cabanatueño tungkol sa pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas.

   Hati ang naging opinyon ng aming mga nakapanayam, ilan sa kanila ay pumabor dahil isang paraan daw ito upang mabawasan ang kriminalidad sa bansa.

   Dahilan naman ng mga hindi pumabor na hindi ang pagkitil sa buhay ang solusyon sa krimen kundi ang patas na pagpapairal ng batas.

   Sa kasalukuyan hinihintay pa ang pagsusumite ng Department of Justice (DOJ) tungkol sa posisyon ukol dito. -Ulat ni Majoy Villaflor