Laking tuwa ni Manuel Sorio, 61 anyos, residente ng Padre Crisostomo, Cabanatuan City, ng mapanalunan nito ang isang tricycle mula sa bingo bonanza ng Pamahalaang Panlalawigan.

Manuel Sorio, hindi makapaniwala dahil isa siya nakakuha ng tricycle sa bingo bonanza
Ayon dito, malaki ang maitutulong ng naturang tricycle sa kanya para sa kaniyang hanap buhay. Lubos din siyang nag pasalamat kay Governor Czarina Umali, Atty. Oyie Umali at Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali.
Isa din sa nakakuha ng tricycle si Ricardo Domingo na taga Aduas Norte Cabanatuan City, ayon dito matagal na niya itong pinapangarap upang makapaghanap-buhay na tinupad ng bingo bonanza.
Hindi naman makapaniwala si Angelita Sapata na nakatira sa Fatima, Cabanatuan City, na makakapag-uwi siya ng tricycle mula sa naturang laro, regalo aniya sa kanya ito ng Panginoon.
Sa mensahe ni Vice Mayor Doc Anthony Umali, para sa mga Cabanatueno, bigyang halaga ang araw ng cabanatuan, mahalin ang Lungsod ng Cabanatuan at gumawa ng kabutihan sa kapwa para magkaisa at magtulungan upang maging mapayapa ang lahat ng mamamayan ng lungsosd at ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Maliban sa tatlong tricycle, mayroon ding isang dinning set, queen size bed complete, sala set, samsung tablet, washing machine with dryer, refrigerator, at led tv 40 inches ang napanalunan ng iba pang lumahok.

3 TRICYCLE MULA SA BINGO BONANZA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAIUWI NG MGA CABANATUEÑO
May mga nakakuha din ng mga consolation prizes na electricfan, cellphone, blender, oven toaster, gas stove, pressure cooker, at ricecooker -Ulat ni Phia Sagat