Bukas na ang 2nd Inter-Brgy Tournament ng Cabanatuan City, kasunod nito ang Exhibition Game ng Neust Phoenix Vs. Cabanatuan City Selection at Aftersix vs. Tuesday and Thursday Club na ginanap sa Neust Gen. Tinio.

  Bakas sa mukha ng mga Basketball players ng Cabanatuan City ang Excitement dahil bukas na ang 2nd Inter-Brgy Tournament noong February 2.

  Sa pamamagitan ng pag-abot ng bola ni Vice Mayor Anthony Umali sa team member ng Barangay Buliran na nagchampion sa 1st Inter-Brgy Tournament noong 2016 ay hudyat ng opisyal ng nagbukas ng naturang paligsahan.

Pinangunahan ng Barangay Buliran kasama si Vice Mayor Anthony Umali ang pagbubukas ng 2nd Inter-brgy Tournament ng Cabanatuan City.

Pinangunahan ng Barangay Buliran kasama si Vice Mayor Anthony Umali ang pagbubukas ng 2nd Inter-brgy Tournament ng Cabanatuan City.

  Sumali ang Anim na Put’apat na kuponan kasama ang kanilang mga kandidata sa Bb Palaro mula pa sa iba’t-ibang parte ng naturang lugar.

Rumampa ang mga kandidata kasama ang bawat kuponan mula sa Ibat-ibang parte ng Cabantuan City.

Rumampa ang mga kandidata kasama ang bawat kuponan mula sa Ibat-ibang parte ng Cabantuan City.


  Rumampa ang mga kandidata ng bawat kuponan upang irepresinta ang kanilang barangay. Wagi bilang 2nd runner up ang Barangay Lourdes, 1st runner up ang barangay Sumacab Este, at ang itinanghal bilang Bb Palaro 2017 ay ang Barangay Kapitan Pepe.

  Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, layunin ng naturang kompetisyon na mag-sama-sama ang mga magagaling na manlalaro at mailayo ang mga kabataan sa mga masamang bisyo.

  Kasunod ay nagkaroon ng Exhibition Game ang Neust vs. Cabanatuan City Selection at Aftersix vs. Tuesday and Thursday club.

  Sa First Quarter ng laro isa ang lamang ng Cabanatuan City selection 22-19, sa Second Quarter ay nagsimula ng magkainitan ang laban ng dalawang kuponan na may score na 39-32, sa Third Quarter ay dikitan na ang laro at nagpapalitan na ng puntos ang mga manlalaro sa score na 60-55, at sa huling quarter pilit na humabol ang Neust Phoenix pero hindi na sila pinausad ng Cabanatuan City selection sa score na 77-74.

   Nagpamalas din ng galing ang Team ng Aftersix vs. Tuesday and Thursday club, sa Unang Quarter ay dikit ang laban sa score na 19-18, sa Pangalawang Quarter ay malaki na ang lamang na puntos ng Tuesday and Thursday club 42-33, sa Pangatlong Quarter ay patuloy na humabol ang After Six sa score na 71-59, sa huling quarter ay tuluyan ng nanalo ang grupo ng Tuesday and Thurday club sa score na 87-81.

   Sa kasalukuyan ay patuloy na naglalaro ang mga magagaling na kuponan ng Cabanatuan City.   -Ulat ni Majoy Villaflor