Sa mensahe ni Mayor Moreno sinabi nito sa kaniyang panayam na ingatan at paramihin ang mga natanggap na baka upang sa susunod ay mapakinabangan rin ito ng marami pang mamamayan.
Isa rin si Mayor Moreno sa mag-momonitor sa kanilang brgy. upang mapanatili ng mga mamamayan doon na mapadami ang kanilang bakangnatanggap.
Malaking bagay para sa mamamayan ng bayan ng Aliaga, Brgy. Magsaysay ang natanggap ng tatlumpong baka na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa ilalim ng Typhoon Lando Livestock Rehabilitation Program kahapon February 01, 2017.
Ayon sa ilang residenteng tumanggap magandang kabuhayan ang gatas ng baka upang makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak na nag-aaral ngayon.
Isa na ang konsehal ng brgy. magsaysay na si konsehal Jaime Mendoza, kung saan ay balak aniya itong paramihin upang mabiyayaan rin ang kaniyang kapwa magsasaka sa kanilang bayan.
At residente na si Alejandro Asuncion na malaking tulong rin di-umano para sa kaniyang mga anak dahil sa hirap ng buhay.
Isa lamang ito sa mga programa na handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Novo Ecijano.