Dumagsa ang libo-libong mamamayan ng bayan ng Gabaldon sa bingo fiesta na inihandog nina Governor Czarina Umali at First Gentleman Atty. Aurelio Umali, bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Kapistahan ni San Pablo Apostol sa naturang bayan.
Naghatid ng iba’t ibang papremyo ang bingo fiesta, kabilang dito ang dalawang sari-sari store showcase worth 10,000 pesos, tricycle, cellphones, kaban-kabang bigas, electricfan, at grocery packs.
Lalo pangtumindi ang kasabikan ng mga Gabaldonians ng inanunsyo ng mag-asawang Umali ang dagdag na premyo para sa kanila.
Bilang pasasalamat ay isang sorpresa naman ang inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Gabaldon para sa kaarawan ng Dating Gobernador Atty. Oyie Umali.
Sa mensahe ni Mayor Rolando Bue, hinimok nito ang kanyang mga nasasakupan na isabuhay ang kapayapaan, pagmamalasakit sa kapwa at pagiging mabuting mamamayan.
Nagpahayag din ng pasasalamat sina Mayor Bue at Vice Mayor Jobby Emata sa mag-asawang Umali dahil sa kanilang patuloy na suporta sa Bayan ng Gabaldon. –Ulat ni Jovelyn Astrero