Pinangunahan ng kabiyak ni Governor Cherry Umali na si first gentleman Atty. Aurelio Matias Umali ang 2nd Duathlon and Mtb Ride 2017, na handog ng pamahalaang panlalawigan.

Dinaluhan ng 500 bikers ang 2nd Duathlon and Mtb fun Ride 2017 na ginanap sa Lake Wood Cabanatuan City.
Ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng 500 bikers mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, na ginanap sa Lake Wood, Cabanatuan City.
Inorganisa ng sports and youth development service office ang naturang aktibidad, na isinasagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng dating Governador Oyie Umali.
Ngayong taon ay ang ikalawang beses na pagsasagawa ng naturang sports.
Umabot sa 40.6 kilometer ang kabuuang sukat ng layo ng tinakbo ng mga kalahok kabilang si Atty. Umali.
Matapos ang pagtakbo at pagpadyak ng bisikleta mula sa starting hanggang sa finish line ay masayang nagpapicture ang bawat team ng bikers kay Atty umali.
Ayon kay Neva Ecija Provincial Director Pssupt. Antonio Yarra, nakilahok din ang ilang mga kapulisan para ma-ipromote ang physical fitness activity sa mga police station.
Nagpasalamat din ito sa mag-asawang Umali, sa pagsasagawa ng ganitong klase ng palaro para sa mga Novo Ecijano, at aniya mas madami pang pulis ang makikilahok sa mga susunod pang paligsahan sa larangan ng sports.
Ayon naman kay Alex Acosta Jr., mula sa Daan Sarile Cabanatuan City, sumali sila sa 2nd duathlon para makapag bonding at mag-enjoy ang kanilang team,
Nag bigay din siya ng mensahe para sa Gobernador na sana ay ipag patuloy pa ang ganitong aktibidad dahil magandang impluwensiya ito sa mga kabataan.
Nag uwi naman ngcash at tropeyo ang mga pinalad na nanalo, 4rth placer ay makakatanggap ng 3 libong piso, 5 libo naman sa 3rd placer, pitong libo sa 2nd placer, siyam na libo para sa 1st placer at labing isang libong piso para sa mga winners. -Ulat ni Phia Sagat