Natanggap na ng isang daan at limamput pitong College Scholars sa bayan ng Zaragoza ang kanilang 2nd semester allowance mula kay Mayor Lally Belmonte Espiritu.

Natanggap na ng 157 College Scholars ang tulong financial na ibinigay ng kanilang punong bayan
Bawat estudyante ay nakakakuha ng dalawang libong piso kada semestre na pandagdag bayad sa tuition fee sa eskwelahan.
Nagpasalamat si Michelle Ventura, i.t student sa Nueva Ecija University of Science and Technology, dahil sa natanggap na allowance mula sa kanilang punong bayan at malaking tulong aniya ito sa kanyang pag-aaral.
Ayon naman kay Joy Agustin, masaya ito dahil may pandagdag na siya sa allowance para sa kanyang pag-aaral.
Nagpasalamat din ito kay Mayor Lally dahil sa tulong finanacial na ipinagkaloob nito.
Makikita naman sa mga mukha ng mga estudyante ang kasiyahan dahil sa tulong na iniabot sa kanila ng pamahalaang lokal ng bayan ng Zaragoza. –Ulat ni Phia Sagat