Hindi pagdalo ng Kapitan o opisyales ng Barangay, dahilan ng pagkaantala sa ratipikasyon ng Supplemental Budget sa Cabanatuan City.

   Patuloy pa rin ang panghihikayat ni Vice Mayor Anthony Umali sa mga kapitan ng Lungsod ng Cabanatuan na dumalo sa session ng Sangguniang Panlungsod sa ratipikasyon ng kanilang Supplemental Budget.

   Ayon kay Umali, naiintindihan niya na maraming obligasyon ang mga kapitan sa kani-kanilang barangay. Ngunit, ang kanilang pagdalo sa session ay isa din umanong obligasyon sa kanilang nasasakupan.

   Sa limang barangay, natatanging ang mga barangay lamang ng brgy mayapyap sur (treasurer), brgy aduas sur (treasurer), at brgy san josef sur (treasurer) ang may dumalo na agarang ni-ratipikahah ng SP ang kanilang Supplemental Budget.

   Habang wala naman dumating na kinatawan sa mga barangay ng brgy padre burgos at brgy balite.

   Ang Supplemental Budget ay pondo na ginagamit para sa sweldo ng mga kawani ng barangay, mga proyekto at iba pang mahahalagang operasyon ng isang barangay.

   Samantala, nakatakdang magkaroon ng pagpupulong ang Committee of the Whole para sa Barangay Annual Budget na gaganapin sa Jan. 12, 2017. – Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/-PIaTlnu0h8