Dinarayo taon taon ng mga deboto ang simbahang katoliko ng lungsod ng gapan, dahil ayon sa aking mga nakapanayam ang simbahang iyon ay ang Pinakamatandang Simbahang katoliko sa Nueva Ecija.
Libo-libong mananampalataya ang namamanata dito tuwing Bisperas ng Kapistahan ng Gapan, dahil sa kanilang paniniwala ito ay isang mapaghimalang simbahan.

LIBO-LIBONG KATALIKO, DUMAGSA SA SIMBAHANG KATOLIKO NG GAPAN CITY SA IPINAGDIWANG NA TATLONG HARI.
Inuuwi rin dito ang kanilang mga pamilya o mahal sa buhay na may karamdaman.
Nakilala ko rin ang ilan sa miyembro ng Divina Pastora na kung saan ay piniling manilbihan sa simbahan, dahil sa kani-kanilang karanasan na may himalang nangyari.
Isa na rito si Raul Masinang na miyembro ng Knights of Divina Pastora na nagsimulang manilbihan sa simbahan noong 2010, matapos ang aksidenteng nangyari sa kanyang buhay ngunit matapos ang insidente ay wala umanong nagyari.
Kabilang rin si Walter Ventorina na apat na taon ng nanunungkulan sa Divina Pastora.
At Celmercian Malga na Miyembro ng Knights of Divina at Altar Server, kung saan ay nakakilala rin sa Diyos matapos ang himalang nangyari sa kaniyang buhay.
Matapos ang kapistahan, susunod namang bibigyang kasiyahan sa may 1 ang fiesta ng Divina Pastora,na kung saan ay isa sa pinaka kilalang debosyon sa Pilipinas. –Ulat ni Myrrh Guevarra.