Libre na ang patubig sa irigasyon ngayong taon, ito ang kinumpirma ni Engineer Florentino David, Department Manager ng NIA-UPRIIS o National Irrigation Administration, Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems, na nakabase sa Cabanatuan City.

   Ayon kay Engr. David, para maimplementa ang libreng patubig ay kinakailangang maamyendahan ang Republic Act 3601 at Presidential Decree 552 kung saan naka-angkla ang kanilang pangongolekta sa bayad-patubig.

Siniguro ni Engr. Florentino David ng NIA UPRIIS na ipatutupad ngayong taon ang libreng patubig para sa mga magsasaka.

Siniguro ni Engr. Florentino David ng NIA UPRIIS na ipatutupad ngayong taon ang libreng patubig para sa mga magsasaka.

   Aabot sa 2.3 billion pesos ang inilaan ng Gobyerno para sa NIA mula sa 3.35 trillion pesos National Budget, bilang kapalit sa mawawalang koleksyon sa patubig.

   Ibinalita din ni Engr. David na sa kabila ng pronouncement ni President Rodrigo Duterte para sa libreng patubig sa bukid ay tumaas pa ng 14 million pesos ang kanilang naging koleksyon noong 2016 kumpara noong 2015.

   Sa isang ektaryang bukid ay nasa 2.5 cavans ang binabayaran ng mga magsasaka sa patubig tuwing panahon ng tag-ulan, at 3.5 cavans per hectare naman sa dry season.

   Nakadepende ang NIA sa kanilang Irrigation Service Fees collection para sa pampasweldo ng kanilang mga empleyado, pagmementina at pag-papatakbo ng mga existing irrigation systems.

   Nasa limang daang empleyado naman ng NIA-UPRIIS ang maaaring maapektuhan sakaling maipatupad na ang libreng irigasyon. –Ulat ni Jovelyn Astrero