Patay ang isang lending collector matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo sa Sitio Putot, barangay Concepcion, Zaragoza.
Kinilala ang biktimang si Carlito Buenavente y Luluquisin, kwarenta’y sais, may asawa, at naninirahan sa nasabing lugar.

Araw ng pasko nang paslangin ang lending collector na si Carlito Buenavente.
Base sa report ng Zaragoza Police Station, dakong alas syete trenta ng gabi, nang iparada ng gun man ang sinasakyang motor sa harap ng tindahan kung saan natutulog sa loob ang biktima kasama ng kaniyang asawang si Jennifer Buenavete y Castillo.
Pumasok ito tindahan at pinaputukan ng paulit-ulit si Carlito gamit ang kalibre kwarenta’y singkong baril baril hanggang bawian ng buhay. Nagising at nagawa namang tumakbo sa labas ang misis nito upang humingi ng tulong.- ulat Clariza de Guzman.