Nakatanggap na ng baka ang bayan ng Gen. Tiñio at Peñaranda mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali sa ginanap na Cattle and Dispersal, sa ilalim ng Typhoon Lando Livestock Rehabilitation Program.
Nagbigay ng kasiyahan sa mga mamamayan ng Gen. Tiñio at Peñaranda ang naipamahaging baka mula sa pamahalaang panlalawigan.
Nakatanggap ng 45 na baka ang bayan ng Gen tiñio at 30 naman na ang ipinamahagi sa bayan ng Peñaranda.

Nagbigay ng mga baka ang Pamahalaang Panlalawigan sa bayan Ng Gen. Tiñio at Peñaranda sa ginanap na Cattle and Dispersal.
Bilang kinatawan ni Governor Cherry Umali pinangunahan ni Atty. Oyie Umali ang naturang programa at nagbigay rin ng paalala sa mga nabigyan ng baka na pararamihin ang mga ito upang pakinabangan pa ng kanilang ka-barangay.

Pinangunahan ni Atty. Oyie Umali ang naturang programa bilang kinatawan ni Governor Czarina “Cherry” Umali.
Ayon kay Provincial Veterenary June Romero may pinirmahang kontrata ang mga nabigyan ng baka na nangangako na aalagaan at pararamihin ang mga ito.
Naging pangunahing panauhin rin ang Board Member ng ikaapat na distrito na si Jc Patiag para magbigay ng mensahe sa mga ito.
Lubos ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng baka sa bayan ng Gen. Tiñio at Peñaranda sa pamahalaang panlalawigan.-Ulat ni Majoy Villaflor