Siyamnapung kambing at tatlumpung baka ang ipanamahagi sa Brgy. Luna bayan ng Sta. Rosa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa ilalaim ng Typhoon Lando Livestock Rehabilitation Program noong nakaraang December 2, 2016.
Ang mga mamamayan naman sa bayan ng San Leonardo ay tumanggap rin ng tatlumpung baka.
Isa si Tatay Christian Crusado ng Brgy. Luna bayan ng Sta. Rosa Na lubos na nagpapasalamat sa kaniyang natanggap.
Kabilang rin si Tatay Clodualdo Bautista ng Brgy. Luna. Aalagaan daw niya ito at pagyayamanin upang mapakinabangan ng marami.
Ayon kay Provincial Veterenary June Romero, malaki ang kapakinabangan ng mga baka sa mga mamamayang tumanggap dahil pitumpung porsyento nito ay maari ng gatasan. -Ulat ni Myrrh Guevarra