Pinailawan na ang simple ngunit eleganteng christams tree sa bayan ng Talavera. Aniya, ito ay sumisimbulo ng kalinisan at pagkakaroon ng malaking potensiyal ng bayan upang maging ganap ng siyudad sa mga susunod na taon.
Pormal ng inilawan ang malaking christmas tree sa harap ng Munisipyo ng bayan ng Talavera, noong linggo.
Taun-taon ay naging tradisyun na sa naturang bayan ang pagpapailaw ng christmas lights sa paligid ng munisipyo upang makapagbigay ng aliw at saya sa mga mamamayan na dumarayo dito.
Ayon kay Mayor Nerivi Santos-Martinez, tinatawag nilang “Ilaw ng Pasko” ang tema ngayong taon na sumisimbulo sa magandang kinabukasan na natatanaw sa bayan ng Talavera.
Kapansin-pansin din ang malaking Santa Claus na nakatayo sa gilid ng munisipyo na nangangahulugan aniya ng pagiging bukas sa lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ng naturang bayan.
Tuwang-tuwa ding nakatanggap ng simpleng regalo ang mga chikiting nang magpamigay ang punong bayan ng mga candy at chocolates sa mga bata na dumalo sa aktibidad.
Hangad ni Mayor Martinez, na lalo pang bumuhos ang biyaya sa bayan ng Talavera upang matupad ang pangarap ng bawat mamamayan na maging isang ganap ng siyudad ang bayan. -Ulat ni Danira Gabriel