
Triple Threat Teritoryo Flip Top Battle
Napuno ng fans Flip top ang Aj’s Music Bar and Resto dahil sa Triple Threat Teritoryo Flip top Battle sa tatlong emcee ng Flip top na sina Romano , J King at Mzhayt

M Zhayt
Ang fliptop battles ang isa sa mga kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan. Ito ay ang pag gamit ng ritmo at salita upang makipag tunggali sa kapwa rapper nito at maging dito sa Nueva Ecija ay mas nakikilala na ang kultura ng hip hop lalo na sa mga kabataan.

Isa na si Romano sa mga sumisikat ngayon sa mundo ng fliptop sa Pilipinas
Maging mga kababaihan ay hindi na rin iba sa kultura dahil katulad ng ibat ibang genre ng music.

Ang flip top ay bukas sa mga rapper ano mang edad at kasarian.

Isa naman si J-smoke sa mga rap artist na dumayo pa sa Cabanatuan para manuod at mag perform.
Ang bawat rapper ay may iba’t iba ng banat, anggulo maging mga ginagamit na paraan ng pag ra-rap upang mai-express ang kanilang nararamdaman at saloobin – Ulat ni Amber Salazar