Back to back na sorpresang birthday party ang inihanda ng mga katrabaho ni Vice Mayor Anthony Umali sa kaniyang Ika-Apat na Pu’t Tatlong taong kaarawan, na idinaos sa loob ng City Hall, Cabanatuan City.
Lunes ng umaga, nang abalang-abalang naghanda ang mga kawani ng Sangguniang Panlungsod upang bigyan ng masayang selebrasyon si First Termer Vice Mayor Umali.
Bagamat ito ang unang pagkakataon na nakasama nila si Umali ay puro papuri at masayang pagbati ang ipinaabot ng kaniyang mga kasama sa SP.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng Bise Alkalde sa kaniyang mga kasamahan.
Matapos sa Sanggunian Panlungsod ay agarang tumungo si Vice Mayor Umali sa kaniyang opisina, kung saan matiyagang naghihintay ang kaniyang staff.
Nagpabatid din ng mensahe ang kaniyang mga katrabaho, kaibigan at ang mga taong malapit sa kaniya.
Magkasabay na inorganisa ng Sangguniang Panlungsod at Vice Mayor’s Office Staff ang birthday party upang maiparamdam aniya ang kanilang pagmamahal sa Bide Alkalde. -Ulat ni Danira Gabriel