
Ilalaan umano ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang 26 Million Pesos Calamity Fund sa Rice Subsidy at Relief Assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Karen at Lawin.
Sa panayam kay Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis umaabot sa 26 million pesos ang available Calamity fund ng probinsya as of sept 2016 na gagamitin sa Rice subsidy at Relief assistance sa mga nasalanta ng bagyong Karen at Lawin . Ngunit hindi umano ito sasagarin upang may maitabi pa sakaling mayroon pang kalamidad na dumating.
Sa direktiba aniya ni Governor Czarina Umali, 20 million ang ilalaang pondo sa rice subsidy habang 500,000 ang para sa relief assistance ng mga nasalanta ng bagyo.
Sa Report ng Office of the provincial agriculture dated October 23,2016 sa PDRRMC, kung saan pinagsama ang pinsala ng Bagyong Karen at Lawin, kung tutuwirin sa 13 pesos per Kilo ay pumapalo ng 1.4 Billion pesos ang nalugi sa Palay mula sa 64 hectares o higit 111,000 metric tons sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Dahil sa pagkasira ng mga palay na nalubog sa tubig baha at dumapa dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyo bumagsak ang presyo nito sa 14-12-11 pesos kada kilo.
Ayon kay OPA Serafin Santos nasa 60-70% ang nailigtas na pananim bago tumama ang bagyong Karen habang ang natitirang 30 % dito ang nasalanta ng bagyo.

Ilang mga palay ang nabulok at walang laman dahil sa pinsalang tinamo nito sa pagdaan ng Bayong Karen at Lawin
Ayon kay Mang Jesus Matadling magsasaka ng Palayan City na nangitim at nabulok ang palay na pananim, mula sa 260 Kabans na kanilang naaani dahil sa bagyo tinatayang aabot na lamang ito sa 80 Kabans na may posibilidad pa aniya na hindi rin makain ng tao dahil sa mag-iiba na ang lasa ng bigas.
Maaga pa naman daw para mangamba na magkakaroon ng shortage sa aning palay o bigas ang Nueva Ecija na magiging dahilan ng importasyon ng bigas, dahil hanggang buwan pa ng Disyembre inaasahang aani ang mga magsasakang Novo Ecijano na pangunahing nagp
apakain sa buong bansa- Ulat ni Amber Salazar