As of October 17, 2016 umaabot na sa mahigit na isang bilyong piso ang pinsala ng Bagyong Karen sa Agrikultura ng Nueva Ecija base ito sa initial assessment report ng PDRRMC kaya naman hihilingin ni Governor Czarina Umali sa Sangguniang Panlalawigan ang pagdedeklara ng State of Calamity sa probinsiya.

LAUR, DAPANG MGA PALAY NG DAHIL SA BAGYONG KAREN (OCT 16 2016)

LAUR, DAPANG MGA PALAY NG DAHIL SA BAGYONG KAREN (OCT 16 2016)

   Nag iwan ng malaking pinsala sa Nueva Ecija ang pagdaan ng Bagyong Karen. Umaabot sa halagang 1.133 Billion Pesos ang naging pinsala sa mga pananim kung saan 1.38 Billion dito ay damage sa palay.  Pinaka malaki ang damage Sa 4TH District ng lalawigan na umaabot sa 24.152 million ang naging pinsala, kasunod ang 3rd District na pumalo sa 23.37 million , 2nd District 20.9 million at first District na umabot sa 14.3 million ang naging total damage base sa report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA). Habang sa mga high value crops at mga gulay umaabot ang pinsala na nasa 87.8 million. Ang  total damage sa Cereal ay pumapalo ng 6.3 million pesos.

Oct. 18 2016 pagkatapos manalasa ng Bagyong Karen, nagsagawa ng assessment sa damages ang PDRRMC sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali

Oct. 18 2016 pagkatapos manalasa ng Bagyong Karen, nagsagawa ng assessment sa damages ang PDRRMC sa pangunguna ni Gov. Czarina Umali

   Kaya naman nagdesisyon si Governor Czarina Umali na pag-aralan ng Sangguniang Panlalawigan na ideklara ang State of Calamity para sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija upang tulungang  makabangon ang mga magsasakang napinsala ng Bagyong Karen.  May naitala namang isang casualty sa Llanera Barangay General Luna na kinilalang si Heidi Maulino 60 taong gulang na nabagsakan ng puno ng niyog.Habang sugatan si Raymond Maulino 14 na taong gulang.

Gabaldon, Nueva Ecija

Gabaldon, Nueva Ecija

   Naging maagap naman ang mga lokal na pamahalaan sa Direktiba ng PDRRMC sa pangunguna ni Gov. Cherry Umali na ilikas ang mga mamamayang nakatira sa mga flashflood and landslide prone areas bago pa tumama ang bagyo.

Pre-Emptive Evacuation

                    District 1                         No of Evacuees

  • Talavera                              315
  • Zaragoza                             640

                   District 2

  • Pantabangan                       111
  • Llanera                                15
  • Rizal                                    40
  • San Jose City                       101
  • Science City of Muñoz           125

 

                    District 3

  • Bongabon                          905
  • Gabaldon                           233
  • Laur                                 180
  • Cabanatuan city                  731
  • Palayan City                       736
  • Sta Rosa                           280

                    District 4

  • Gapan City                       1,204
  • General Tinio                       215
  • San Leonardo                      480
  • Peñaranda                           30

                    Total no of Evacuees      6,601   

     Matatandaan na 5pm pa lamang ng hapon noong October 14, 2016 ay nakahanda sa PDRRMC sa pagpasok ng bagyo sa lalawigan. – Ulat ni Amber Salazar