
Libo-libong mamamayan sa bayan ng Bongabon ang pinasaya ng Bingo Fiesta na sinuportahan nina Governor Cherry Umali at Atty. Oyie Umali
Kakaibang saya ang inihatid ng Bingo Fiesta sa libo-libong mamamayan ng Bayan ng Bongabon na sinuportahan nina Governor Cherry Domingo Umali at Former Governor Oyie Umali.
Ang naturang pa-bingo ay bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng patron ng Bongabon na si San Francisco de Assisi.
Iba’t-ibang papremyo ang ipinamigay ng Bingo Fiesta tulad ng 200 bags ng grocery, cellphones, electric fans, ilang kabang bigas, dalawang pangkabuhayan-Tindahan Showcase at isang brand new tricycle.

Gov. Cherry Umali at Atty. Oyie Umali, nakisaya sa Bingo Fiesta sa Bayan ng Bongabon
Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga nakisaya, dinagdagan pa ni Governor Cherry Umali at Atty. Oyie Umali ang papremyo ng halagang tatlumgpung libong piso (30,000).
Sa huli, maswerteng naiuwi ni Ginoong Apolinario Marasigan mula sa Barangay Santor ang Brand New Tricycle. – Ulat ni Shane Tolentino