Nakipagrakrakan ang mga bandang rakista ng Nueva Ecija sa Ikalawang Cabanatuan Rockfest na ginanap sa Aj music bar and resto, Cabanatuan city.
Dalawamput- dalawang mga banda na nagmula pa sa iba’t ibang bayan at siyudad ng lalawigan ng Nueva Ecija ang nagtanghal at nagpakitang gilas sa mga manunuod.
Ang layunin ng naturang event ay upang magkasama-sama ang mga indie bands o independent bands sa lalawigan at magkaroon ng mga annual gigs ang mga bandang rakista ng Nueva Ecija.
Daan-daang mga katao ang dumalo at nag enjoy sa naturang event at sulit na sulit umano ang pagpunta nila upang mapanuod ang mga rakistang banda ng Nueva Ecija. -Ulat ni Majoy Villaflor