Isa ang cycling sa nauusong sports ngayon. kaya naman hindi na kataka taka na maraming Novo Ecijano ang nahuhumaling dito dahil na rin sa magandang epekto nito sa kalusugan. Nakatutulong upang mabawasan ang polusyon, at ang magandang samahan na maaaring mabuo ng mga teams sa iba’t ibang lugar kapag nag cycling sa malayong lugar.
Maganda itong paraan upang mabawasan ang inyong belly fat. Kahit magsimula lamang sa steady, slow pace para sa mga bago pa lang sa sports na ito ay unti unti na itong makatutulong upang mapababa ang timbang.
Sa katunayan isa na si Former Governor Aurelio Matias-Umali sa mga nahihilig sa cycling at sumali na rin sya sa kauna-unahang Duathlon Challenge sa Nueva Ecija nitong January 2016 lamang na umabot sa 700 cyclista ang nakidalo. Ayon kay First Gentleman hindi lamang ito maganda sa kalusugan kundi makatutulong na rin ito upang makahanap ng mga kaibigan na nahihilig sa parehong sports.
Hindi na rin mahirap ang pag hanap ng mga mountain bikes dahil sa mga bike shop na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng lalawigan katulad na lamang ng Chucky Bike Shop na matatagpuan sa Calipahan Talavera, Nueva Ecija. Kasama rin sa kanyang cycling team si board member Rommel padilla . Ayon kay Chuky nakatulong din ang sport na ito sa kanyang kalusugan.
Ayon din sa kanya hindi na gaanong kamahalan ang pag bili ng mountain bike dahil marami na rin bike ang maaaring mabili na papasok sa budget ng ilang nag nanais na pumasok sa sport na ito. -Ulat ni Amber Salazar